Barilan sa Comelec checkpoint sa Laguna: Sundalo sugatan, 1 patay

0
429

Sta. Maria, Laguna.  Patay ang isang lalaking namaril ng sundalo sa Comelec checkpoint sa Brgy. J.P. Rizal Provincial Road, bayang ito, matapos siyang balikan ng putok ng iba pang sundalo. 

Ayon sa ulat, ang suspek na kinilalang si Rolando Villegas na residente ng Brgy. Nanguna, Mabitac, Laguna ay biglang sumulpot sa checkpoint at namaril kung saan at tinamaan sa hita si Staff Sergeant Joel Rellosa, isang aktibong miyembro ng Phil. Army at kasalukuyang nakatalaga sa Parang ng Buho, CAA Detachment.

Bumagsak si Rellosa ngunit gumanti ng putok ang iba pang bantay ng checkpoint na nagresulta sa pagkamatay ni Villegas.

Isinugod sa ospital si Rellosa habang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril. 

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.