MAYNILA. Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilegal na presensya ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa dalampasigan ng Zambales, gamit ang BRP Teresa Magbanua na naka-deploy sa lugar.
Sa pahayag ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea (WPS), nitong Sabado, Enero 11, isang CCG vessel na may bow number na “3304” ang namataang naglalayag sa layong 60 hanggang 80 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.
Ayon kay Tarriela, ang presensya ng BRP Teresa Magbanua ay bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na labanan ang mga ilegal na aktibidad ng CCG.
“The continued vigilance of BRP Teresa Magbanua serves as a proactive measure to ensure that Filipino fishermen can carry out their activities without the threat of harassment or intimidation,” ayon sa pahayag ni Pangulong Marcos.
“The deployment of the PCG’s white ship underscores a commitment to monitoring and maintaining a visible presence to deter illegal activities by the Chinese Coast Guard while adhering to principles of restraint and non-provocation,” dagdag pa niya.
Noong Miyerkules, iniulat din ng PCG ang panibagong barko ng CCG na may bow number “3103” na dumating sa lugar upang palitan ang tinaguriang “monster ship” ng China na nananatili rin sa Zambales.
Patuloy ang pagtutok ng mga awtoridad upang masigurong mapoprotektahan ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo