Barko ng Pilipinas, ‘binomba’ at binangga na naman ng China Coast Guard

0
590

Matapos ang insidente ng pambobomba ng water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Sabado, naging mas masahol pa ang sitwasyon sa West Philippine Sea. Nitong umaga ngayong araw, ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na naglalakbay para sa rotation and resupply mission, partikular na ang M/L Kalayaan, BRP Cabra, at Unaizah Mae 1 BRP Sierra Madre, ay binomba na naman ng tubig ng China Coast Guard (CCG).

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa West Philippine Sea, nasira ang engine ng M/L Kalayaan dahil sa water cannon ng CCG. Hindi rin nakaligtas ang UM1, isang barko na binomba rin ng sasakyang pandagat ng China.

“Regular RORE to BRP SIERRA MADRE this morning. BRP CABRA, Unaizah Mae 1, and M/L Kalayaan water cannoned by China Coast Guard. M/L Kalayaan suffered serious engine damage. Contrary to China Coast Guard disinformation, UM1 rammed by CCG vessel,” pahayag ni Tarriela sa kanyang pahayag.

Dagdag pa niya, itinanggi niya ang alegasyon ng CCG na ang sasakyang pandagat ng Pilipinas ang umatake sa mga barko ng CCG. Ipinunto ni Tarriela na ito ay isa na namang pang-aagresyon ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa ilalim ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, isang aspeto na kinikilala rin sa 2016 UNCLOS Arbitral Award.

Simula pa noong 1999, matatagpuan na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, isang barko na galing pa sa World War II na nagsisilbing simbolo ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ang pangyayaring ito ay sumabay sa pag-atake noong Sabado, kung saan walong beses na binomba ng CCG ang mga barko ng BFAR na nasa gitna ng supply mission patungo sa Scarborough Shoal.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo