Barong-barong, ginawang drug den: 3 nasakote

0
926

BACOOR CITY, Cavite. Nalambat ang tatlong suspek, kabilang ang caretaker ng isang barong-barong na ginawang drug den, sa isinagawang pagsalakay ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis-Cavite kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Delos Santos alias “Koykoy”, 37 anyos na driver ng shuttle service at hinihinalang drug den maintainer; Ian Kenneth Daraman, 33 anyos na driver; at Vincent Rivas, 20- anyos; na mga kliyente sa droga ni Delos Santos.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:20 ng gabi nang salakayin ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-Cavite Provincial Office at Bacoor City Police Station ang nabanggit na drug den sa Phase 3, Santan corner Dahlia, Citi Homes, Brgy. Molino IV.

Naaktuhan ng raiding team sa lugar ang tatlong suspek at nakumpiska sa kanila ang mahigit 15 gramo ng shabu na aabot sa halagang P103,500, kasama ang isang cellular phone, buy-bust money, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.