MAYNILA — Sinuspinde ng House Ethics Committee si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga nang 60 araw dahil sa umano’y hindi angkop na pag-uugali, kabilang ang serye ng pagbatikos sa gobyerno at pagpo-post ng malalaswang larawan ng mga babaeng nakabikini sa kanyang Facebook account.
Sa botong 249 pabor, 6 laban at 11 abstain, pinagtibay ng lower house ang rekomendasyong suspindihin si Barzaga nang walang tatanggapin na sahod sa loob ng panahon ng sanction.
Pagkatapos ilahad ang rekomendasyon, tumindig si Barzaga sa plenaryo at sinabing tinatanggap niya ang desisyon ng komite. Gayunman, sinundan niya ito ng puna laban kay Pangulong Marcos, dahilan para putulin ang kanyang mikropono.
Ayon kay 4Ps Partylist Rep. Jonathan Clement JC Abalos, chairman ng House Ethics Committee, malinaw na lumabag si Barzaga sa pamantayan ng wastong asal na inaasahan sa isang mambabatas.
“The complainants alleged that these social media posts in his verified Facebook pages contain language and imagery that employ derogatory and inflammatory rhetoric against government institutions, use vulgar and inappropriate language on befitting a public official,” pahayag ni Abalos.
Iginigiit naman ni Barzaga na ang kanyang Facebook posts ay saklaw ng proteksyon bilang political speech at ginawa umano nang may mabuting hangarin bilang bahagi ng pampublikong talakayan hinggil sa umano’y malalang korapsyon sa mga flood control projects.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






