Nagtala ng magkakahiwalay na bomb threat ang ilang lugar sa bansa ngayong Lunes, Pebrero 12, ayon sa mga ulat ng mga awtoridad.
Sa Bataan, naglabas ng direktiba si provincial police chief Police Colonel Palmer Tria para sa lahat ng istasyon ng pulisya na agarang rumesponde sa mga ahensya ng pamahalaan na nakatanggap ng bomb threat mula kay “Takahiro Karasawa.”
“A similar bomb threat from the same name of sender who identifies himself as Takahiro Karasawa, allegedly a lawyer, was also made last September and October 2023 and was found out also to be sent in other countries,” ayon kay Tria.
Sa Zambales ay hindi rin nakaligtas sa banta. Siniguro ng mga awtoridad sa Subic ang kaligtasan ng mga estudyante at mga empleyado sa lugar.
“Their primary objective was to ensure the safety and security of the entire community against any potential harm,” ayon sa pahayag ng Subic police.
Nagbigay din ng pahayag ang Cebu provincial police matapos makatanggap ng bomb threat ang Cebu City Hall of Justice, subalit natukoy na walang katotohanan ang banta kaya’t naibalik agad sa normal na takbo ng trabaho.
Kaugnay nito, kaninang umaga, nakatanggap din ng bomb threat ang central office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Metro Manila, ngunit matapos ang pagsisiyasat, lumitaw na peke ang naturang banta.
“Upon thorough investigation in cooperation with the Philippine National Police (PNP), the information being circulated has been verified to be a hoax,” ayon sa pahayag ng DENR.
“The DENR calls for vigilant sobriety and advises everyone to immediately report suspicious activity to local authorities. The Department continues to stay alert and committed to the security and well-being of our employees at all times,” dagdag pa ng ahensya.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad upang masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa anumang potensyal na banta.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo