Batang kidnap victim, iniligtas ng San Pablo CPS

0
1971

San Pablo City, Laguna. Nailigtas ang isang menor de edad na biktima ng kidnapping sa ilalim ng rescue operation na isinagawa ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station (CPS) sa pangunguna ng hepe nito na si PLTCOL Garry C. Alegre at chief investigator PCAPT Edwin Goyena.

Batay sa paunang imbestigasyon, si Rovelyn Cataytay Abrencillo, 21 anyos na housemaid at residente ng Lynville Subdivision sa Brgy. San Mateo sa nabanggit na lungsod, ay dumulog sa nabanggit na CPS hinggil sa pagkidnap sa kanyang 4 na taong gulang na anak. 

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima, ang bata ay kinuha ni Joseph Margate, 27 anyos na construction worker at residente ng Brgy. Dalig, Antipolo, Rizal noong Abril 25. Diumano ay sinabi ng biktima na ibabalik niya ang bata kung makikipagbalikan sa kanya ang ina nito na dati niyang live-in partner.

Agad na nagsagawa ng follow up operations ang nabanggit na CPS na nagresulta sa pagkakabawi sa bata at pag aresto sa suspek.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng nabanggit na istasyon.  

Ayon sa pinakahuling ulat, sinampahan na ng kasong Kidnapping ang suspek sa City Prosecutor’s Office noong Abril 26, 2022, batay sa report ni PLTCOL Alegre.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.