Batang Philippine hawk eagle nasagip sa Quezon

0
200

MULANAY, Quezon. Nasagip ang isang batang Philippine hawk eagle ang sa bayang ito sa pangunguna ng Wildlife Enforcement Officer at mga kawani ng Conservation and Development Section ng DENR-CENRO Catanauan, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng DENR Calabarzon, aksidenteng nasugatan ang ibon ng isang residenteng nangunguha ng bunga ng niyog habang ito ay nakadapo sa isang puno sa niyugan sa boundary ng Brgy. Cambuga at Brgy. Buenavista. Ang ibon ay nagtamo ng pinsala sa kaliwang paa at naputol ang isang kuko, na naging dahilan upang hindi ito makalipad.

Dinala ang ibon sa CENRO Catanauan upang pakainin, gamutin, at obserbahan. Matapos ito, inilipat ito sa Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna, upang matiyak ang ganap na paggaling bago ibalik sa natural na tirahan nito.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN), ang Philippine Hawk Eagle ay ikinokonsiderang “endangered” o nanganganib na ang lahi dahil sa papaunting populasyon nito na tinatayang nasa 400 hanggang 600 na lamang.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.