Calaca, Batangas. Patay ang isang lalaking nakipagbarilan sa mga pulis matapos umiwas sa PNP/Comelec checkpoint sa bayang ito noong Enero 22, 2022.
Ang napatay ay kinilala ni Batangas Police Provincial Director PCOL GLicerio C. Cansilao na isang nagngangalang Geohary Mangundaya alyas “Geohary.”
Ayon sa report ni PCOL Cansilao kay Regional Director PRO CALABARZON PBGEN Eliseo DC Cruz, umiwas si Mangundaya sa checkpoint at nagpaputok ng baril na ginantihan ng mga putok ng mga elemento ng Calaca Police Station at nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Samantala, 20 indibidwal ang hinuli sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code o gun ban na sa checkpoint operations na ipinatutupad ng Batangas Police Provincial Office. Nakumpiska sa kanila ang 18 baril at mga bala.
“Nawa’y tayong mga mamamayan ng Batangas ay mapayapang sumunod sa ipinatutupad ng kapulisan na kung saan ay alinsunod sa ating Saligang Batas dahil ang lahat ng ito ay para sa kabutihan, kaayusan at kapayapaan ng ating bayan,” ayon sa mensahe ni Cansilao.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.