Batas na maghihigpit sa pamamasyal ng mga bata, iniuutos na ipasa ng mga LGU

0
678

Iniuutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Units (LGU) na magpasa ng mga ordinansa na maghihigpit sa mga menor de edad sa pamamasyal sa mga pampublikong lugar.

“I am calling on all local government units to consider passing ordinances for age restrictions among minors who can be allowed to go to the malls. Certainly, they cannot allow those below 12 years old and those who are still unvaccinated to be exposed to the risks of Covid-19 in public places,” ayon kay Duterte sa isang pre recorded na mensahe saTalk to the People kahapon, Nobyembre 15, 2021.

Ang mga bata, ayon sa pangulo, partikular ang mga wala pang bakuna ay nanganganib sa masasamang epekto ng Covid-19 infection. “Alam kong gustung-gusto niyo nang ipasyal ang mga anak niyo after staying for so long inside your home due to lockdowns, pero isipin ninyo kung maliliit pa ang mga anak niyo at hindi pa bakunado, do not expose them to the virus. They have no defense mechanism in their system against Covid-19,” dadag pa niya.

Nananawagan ang pangulo sa mga magulang at guardians ng mga menor de edad na walang bakuna na maging maingat sa mga binanggit niyang panganib.


Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.