Bawal na sa Twitter ang mga ad na kontra sa science ng climate change

0
427

Hindi na papayagan ng Twitter ang mga advertiser ang mga ad na hindi sumasang ayon sa scientific consensus hinggil sa climate change, na isang patakaran na ipinatupad na sa Google.

“Ang mga ad ay hindi dapat makabawas sa mahahalagang pag-uusap tungkol sa krisis sa klima,” ayon sa kumpanya sa isang pahayag kasabay ng pagbabalangkas ng mga bagong patakaran nito noong Biyernes.

Walang indikasyon na ang pagbabago ay makakaapekto sa mga ipino-post ng mga user sa social media site, na kasama ng Facebook ay tinatarget ng mga grupo na naglalayong magsulong ng mga mapanlinlang na pahayag tungkol sa climate change.

Ang anunsyo na ipinalabas kasabay ng Earth Day ay ibinaba ilang oras bago sumang-ayon ang European Union sa isang deal na nag uutos sa malalaking tech na kumpanya na suriing mabuti ang kanilang mga site para sa hate speech, disinformation at iba pang nakakapinsalang content.

Sinabi ng Twitter na magbibigay ito ng dagdag pang impormasyon sa mga darating na buwan kung paano ito nagpaplanong magbigay ng “reliable, authoritative context to the climate conversations” sa mga user na nakikibahagi sa Intergovernmental Panel on Climate Change. Ang mga ulat ng panel ng agham na suportado ng U.N. sa mga sanhi at epekto ng climate change ay nagbibigay ng batayan para sa mga international negotiations upang pigilan ang climate change.

Ang kumpanya ay mayroon nang nakalaang paksa sa klima sa site nito at nag-aalok ng sinasabing”pre-bunks” noong nakaraang taon sa kumperensya tungkol sa klima ng U.N. upang kontrahin ang mga maling impormasyon tungkol sa climate change.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.