Bawas-singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hunyo, inianunsyo

0
140

MAYNILA. Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Hunyo na nagkakahalaga ng P1.9623 per kilowatt-hour (kWh). Ang mga tahanan na sineserbisyuhan ng Meralco ay makikinabang sa pagbabang ito ng kanilang electricity bills.

Sa isang abiso nitong Linggo, ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtapyas sa power rates ay dulot ng implementasyon ng hati-hating koleksyon ng generation costs mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Ayon sa kanilang pahayag, “In its order promulgated on June 13, the Energy Regulatory Commission (ERC) ordered all distribution utilities and electric cooperatives in the country, including Meralco, to stagger the collection of charges covering WESM purchases in the May supply month in four (4) equal monthly installments starting this billing month until September 2024.”

Dahil dito, ang mga customers ng Meralco ay makakatanggap ng downward power adjustment sa kanilang power rates, taliwas sa P0.6436 per kWh na dagdag na inanunsyo noong nakaraang linggo. Ang bagong adjusted rate ay P9.4516 per kWh mula sa nakaraang buwang P11.4139 per kWh para sa isang tipikal na tahanan.

Pahayag ng Meralco, “For residential customers consuming 200 kWh, the adjustment is equivalent to a decrease of around P392 in their total electricity bill.”

Gayunpaman, binalaan ng Meralco ang kanilang mga customers na asahan ang mas mataas na generation charges sa susunod na tatlong buwan. Ayon kay Joe Zaldarriaga, Meralco vice president at head of corporate communications, “We would like to advise this early that our customers can expect generation charge to increase in succeeding months as we collect the deferred amounts on staggered basis as result of the recent developments.” Dagdag pa niya, “With these already deferred costs, and the recent order of the ERC to also stagger the collection of WESM charges, around P0.77 per kWh will be added every month to the generation charge in the July to September bills.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo