Bayani ng Pandemya Awards, ginanap sa San Pablo City

0
883

Kinilala ni San Pablo City Mayor Amben Amante ang mga nakiisa at sumuporta sa tagumpay ng laban sa Covid-19

San Pablo City, Laguna. Pinarangalan ni San Pablo City Mayor Amben Amante, City Health Officer James Lee Ho at City Adminsitrator Vicente B. Amante ang mga tinaguriang “Bayani ng Pandemya” kahapon sa San Pablo City Convention Center, lungsod na ito.

Pinarangalan bilang mga Bayani ng Pandemya at pinasalamatan ang kanilang tulong at suporta sa mass vaccination programs ng San Pablo City ang mga indibidwal, government at non government organization, civic clubs, religious groups, volunteer groups, health frontliners, media at mga private companies.

“Pinasasalamatan ko po ang lahat ng nakiisa sa laban sa lungsod sa Covid-19. Dahil po sa inyong suporta at pakiisa ay naging matagumpay ang mass vaccination sa ating lungsod. Pinasasalamatan ko ang lahat ng Mabuhay ang lahat ng frontliners na isinugal ang kanilang buhay masigurado lamang ang kaligtasan ng kanilang mga kababayan. Kayo po ay mga tunay na bayani.” ayon kay Mayor Amante.

Sinabi naman ni City Health Officer Lee Ho na dahil sa sinsero at marudob na pagtutulungan ng mamamayan ng San Pablo mula sa pinakamataas na opisyal hanggang sa janitor na naglinis ng mga vaccination centers. “Lahat po tayo ay kumilos at gumalaw para sa tagumpay ng ating laban sa Ciovid-19 at ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat. At malugod ko pong inirereport sa inyo na sa ngayon ay 97.35 na ng total population ng San Pablo ang nakakuha ng first dose at 93.68 na ang may second dose. Ongoing po ang bakunahan natin at patuloy po ang pagsisikap natin na maabot ang 100% na target,” ayon sa kanya.

Sa bukod na panayam, inihayag ni Dr. James na ang San Pablo General Hospital na may 42 na Covid-19 beds na laging nakahanda ay mabilis na naitatag sa pakikipagtulungan nila ni San Pablo City Administrator Vicente B. Amante sa Department of Public Works and Highways. Ang proyekto, ayon sa kanya ay isinagawa noong kasagsagan ng pandemya sa panahong walang ospital na mapagdalhan ng mga pasyenteng may Covid. “Hindi po maatim ni Former Mayor Vic Amante na mamatay ang ating mga kababayan ng hindi nalalapatan ng gamot kaya po minadali namin ang pagtatatag ng mga container isolation wards at ito po ay laging nakahanda sakaling kailanganing muli. Ilalayo, huwag ilalapit, tayo po ay laging nakahanda sakaling magkaroon ng Covid-19 resurge dito sa ating lungsod, At ang lahat ng ito ay nagagawa natin sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor sa ating komunidad,” dagdag pa niya.

“Nagkaisa ang government at private health frontliners sa pamamagitan ni Dr. Lee Ho kung kaya matagumpay nating naisagawa ang pagbabakuna. At ako po ay lubos na natutuwa sa napakagandang pagkakaisa nating lahat na siyang dahilan kung kaya napagwawagian natin ang ating laban sa Covid-19. Nagpapasalamat ako ng taos puso sa lahat,” ayon naman kay Amante sa isang panayam.

Inihayag din ng dating alkalde na muling lumalaban sa mayoralty race sa nabanggit na lungsod na patuloy na pinagbubuti ang mga mahahalagang pasilidad at rapid hospital readiness upang epektibong makatugon sa hamon ng Covid-19.

Kinilala bilang mga Bayani ng Pandemyaang Association of the Barangay Chairman, Barangay Health Workers of San Pablo City, Barangay Nutrition Scholars of San Pablo City, Philippine Red Cross-San Pablo City Chapter, San Pablo City Medical Society, SM City San Pablo, Laguna Provincial Hospital–San Pablo City District Hospital, Community General Hospital of San Pablo City, Inc., Immaculate Conception Hospital of San Pablo City, Inc., Saints Francis and Paul General Hospital, Inc., San Pablo Colleges Medical Center at San Pablo Doctors Hospital.

Ginawaran naman ng certificate of appreciation ang mga sumusunod na media outfit: Balitang San Pablo, The Monday Mail, Bridge Journal Group, Radio Group, Fastruct News, First Hermit Group, Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer,  Liwanag Vlogs, Seven Lakes Press Corps, Laguna Courier, The Voice of the People, Journal Group, Herald Group, Tutubi News Magazine, National Press Club, Laguna Press Corps, Monday Times Group, Laguna Express Group, The Morning Chronicle, Parehas Group, Tribune Post, San Pablo Public Forum, Prince Wil Productions, Ang Dyaryo Natin, Laguna Scoop Group, The Barangay Group, Free Times Journal Group, UletLangunense at Laguna Patrol.

Kinilala din ang pakikiisa ng government offices kabilang ang Sangguniang Kabataan Federation of San Pablo, Department of the Interior and Local Government, San Pablo City BJMP, San Pablo City BFP, San Pablo City, Office of the Vice Mayor, City Government of San Pablo Navigators at San Pablo City Police Office.

Ang mga eskwelahan sa lungsod na tumanggap din ng certificate of appreciation ay ang mga sumusunod: San Pablo Central School, Liceo de San Pablo, Canossa College of Nursing, San Pablo Colleges-College of Nursing at ang Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo.

Sa hanay ng private companies at civic organization ay kinilala ang Alliance of Public Health Advocates, Philippine Long Distance Telephone Company, SPC HIC Public Registration Service, Rotary Club of San Pablo City, Rotary Club of San Pablo City South, Rotary Club of Silangang San Pablo, Rotary Club of San Pablo City Central, Lens & Threads Digital Works, Unang Ermitanyo Elite Eagles Club, San Pablo City Supreme Eagles Club, Malinaw Masonic Lodge No. 25, San Pablo City Host Lions Club, San Pablo City Emerald Lions Club, 3J Corporation, Department of Education Division of San Pablo, Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit, Smart Communications, Inc. San Pablo City, San Pablo Pediatric Circle, Philippine Obstetrical and Gynecological Society-Southern Tagalog Chapter, San Pablo City Youth Volunteers’ Alliance, Kabataang Boluntaryo ng Lungsod ng San Pablo at ang Junior Chamber International JCI San Pablo 7 Lakes.

Ang City Traffic Management Office, Barangay Affairs, City Information Office, City Population Office at City Disaster Risk Reduction and Management, City Planning and Development Office ay tumanggap din ng certificate of appreciation.

Samantala ilang individual ang kinilalang bilang mga Bayani ng Pandemic kabilang si Dr. James Christian L. Lee Ho, Dr. Divina C. Antonio, MPH, PHSAE, Maria Theresa E. Del Rio, Maureen Ann E. Del Rio, Anthony E. Del Rio, Joseph AldwinSadsad Family, Angelica Faye Alvarez, Dan Lara Almira Lusoc, Justine Espina, Mc Marious Susmerano, Niño Earkim A. Mulimbayan, Jasper Alon, Christian Eneria, Rowelyn Nadine Talavera, Sandy Belarmino at Ruben Taningco.

Kasama ni PCOL Garry C. Alegre, chief of police ng San Pablo Cuty PNP ang ilang mamamahayag na giawaran ng parangal sa ginanap na Bayani ng Pandemya Awards.
Kinilalang Bayani ng Pandemya si San Pablo City Councilor Carmela Acebedo at ang buong team ng Acebedo Covid-19 Disinfection Team na mahigit na dalawang taon na patuloy na nagsasagawa ng disinfection advocacy sa buong lungsod partikular sa mga vaccination sites. Ang mga gastusin sa on call city wide disinfection ay galing sa sariling bulsa ng nabanggit na konsehal. Photo credits: Roy Tomandao


Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.