Bayanihan Bakunahan sa Barangay isasagawa sa SPC: Eksatong bilang ng babakunahan, hinihingi sa mga kapitan ng barangay

0
298

San Pablo City, Laguna. Hinihingi ng San Pablo City Health Office sa lungsod na ito sa lahat ng barangay chairman na magsumite ng eksaktong bilang ng bakuna na kailangan sa kanilang nasasakupan, sang ayon sa utos ng Department of Health.

Nagpapayo si City Health Officer Dr. James Lee Ho na magpalista na sa barangay ang mga gustong magpabakuna sapagkat ang mga susunod na Covid-19 vaccine na darating sa lungsod ay ibabatay sa bilang ng bakuna na hihingin ng mga kapitan ng barangay.

Nakatakdang isagawa ngayong linggo ang “Bayanihan Bakunahan sa Barangay” sa mga barangay na nagsumite na ng bilang ng babakunahan ng first dose para sa teens at adults, default second dose at booster dose para sa adults.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.