Calamba City, Laguna. Nagsagawa ng isang araw na Barangayanihan Outreach Program ang Regional Highway Patrol Unit 4A (RHPU4A) kasama ang PNP Aviation Security Group sa Cavite City.
Sinabi ni Capt Dyne Moreno, Hepe, Police Community Relations Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni RHPU4A Regional Chief Col Samson Belmonte na nakinabang sa proyekto ang 200 elementary pupils mula sa Barangay Pook, Zone 48M, Sangley Point kung saan ibinigay ang mga school supplies at iba pang gift packs na naglalaman ng tsinelas.
Ayon kay Moreno, ang kanilang grupo ay laging nagsisikap na sumunod sa hamon ng PNP core values na Maka-diyos, Maka-tao, Maka-bansa at Maka-kalikasan.
“This pandemic has hit each one of us, our everyday lives have changed, and unfortunately, most of us have experienced difficulty breezing through this pandemic. This is why RHPU4A, in staying true to our commitment to create a positive impact in children’s lives, has launched a ride for a cause outreach program in efforts to combat this ever-persistent challenge in our society, education,” dagdag pa ni Moreno.
Sinabi rin ni Moreno na umaasa sila na sa kalaunan, ang kanilang mga benepisyaryo at ang mga komunidad na kanilang kinabibilangan ay makakaahon sa kahirapan. Ang mga outreach programs na tulad nito, aniya, ay nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila na magpatuloy sa kanilang pang-araw-araw na buhay at maging mas responsableng mga estudyante at sa pamamagitan nito ay natutulungan silang maghangad ng mas magandang kinabukasan.
Tumutulong din na maisakatuparan ang mga gawaing ito ang iba’t ibang civic groups at riders mula sa FSRAP Cavite, CDM EAgles Club, Lakas Bagwis, Class Pagbabago at Class Magilas Riders.
Lahat ng mga tauhan na sumasali sa nabanggit na outreach program ay nagpakita ng kapuri-puring at walang-pag-iimbot na malasakit sa sangkatauhan na dahilan kung bakit ito ay mahigpit na inirerekomenda na mabigyan sila ng naaangkop na mga parangal para sa kanilang namumukod-tanging gawain at hindi natitinag na serbisyo hindi lamang sa Highway Patrol Group kundi maging sa Philippine National Police, ayon pa rin kay Moreno.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.