Isang babaing ang akmang tatalon sa tulay ngunit nailigtas ng isang magiting na pulis. Panoorin ang video sa ibaba.
Ibinahagi ng Facebook page na “Pulisbatamoko” ang video footage ng isang bayaning pulis na nagligtas sa isang babae na nagtangkang tumalon sa isang tulay. Ang video ay umani ng mga papuri at paghanga mula sa online community.
Sa video, mapapanood na umaayat ang isang babae sa railings ng tulay at tila nagbabalak na magpakamatay. Tamang dumadaan ang isang police mobile kung saan ay bumaba ang isang matapang na pulis at walang pag aatubiling tumakbo at hinila siya palayo sa tulay.
Kinilala ang dalawang pulis na sina PSSg Aljernol Puspos at PCpl Alvin Nepomuceno ng Trece Martires Police Station sa Cavite.
Ang insidenteng nagbigay ng inspirasyon sa netizens ay naganap noong Enero 20, 2022.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.