Bayolenteng demolisyon sa Cavite: 4 na residente sugatan at ilang pulis

0
365

Maragondon, Cavite.  Apat na residente sa isang fishing village sa Brgy. Putungan ang nagtamo ng tama ng bala at ilang pulis ang sugatan matapos ipag utos ng korte ang pagsasagawa ng naging marahas na demolisyon noong Huwebes.

Ayon sa pahayag ni Cavite Provincial Director P/Col. Arnold Abad, ihahain ang demolition order na inisyu ni Judge Lerio C. Castigador ng Regional Trial Court sa bayan ng Naic ng sila ay pagbabatuhin na diumano ay ikinasugat ng apat na pulis.

Malubhang nasugatan sa tama ng baril sina Ace Amon , 42, may asawa: Jonas Acejo, 21 at dalawang iba pa nilang kasamahan. Labing tatlo naman ang malubhang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa Cavite Medical Center.

Ayon pa rin sa Cavite PNP ang lupa ay pag aari ng MTV Investment Properties Holding Corp. na dating kilala bilang MTV Realty Corp.

Ang nabanggit na fishing village ay may humigit kumulang na 600 residente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.