Sta. Cruz, Laguna. Umikot sa buong Laguna ang Unity Team Caravan kahapon ni Bongbong Marcos at Sara Duterte, kandidato sa pagka pangulo at bise presidente ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Kasama sa nabanggit na caravan si Jeorge ER Ejercito, ang Calabarzon Chairman ng PFP at kandidatong alkalde ng Calamba City. Kasama rin dito ang kanyang maybahay na si Girlie Maita Ejercito na kandidato ring mayor ng bayan ng Pagsanjan at kanilang anak na si Jerico Ejercito na tumatakbong namang bise gobernador sa Laguna.
Mula sa Sta. Cruz, Laguna ay bumiyahe ang caravan sa mga bayan at lungsod ng Lumban, Nagcarlan, Liliw, Rizal, San Pablo City, Calauan,Bay, Los Banos at nagtapos sa Calamba City. Tinatayang humigit kumulang na 5,000 bikers at private citizens ang nakilahok sa convoy na ito noong Nobyembre 21, 2021, ayon sa report.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.