BFAR: Sapat ang suplay ng isda habang papalapit ang Semana Santa

0
433

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda para sa Semana Santa mula Abril 6 hanggang 10.

Sa isang pahayag, sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na hindi inaasahan ng bureau ang kakulangan ng suplay ng isda sa kabila ng pagtaas ng demand at ng oil spill sa Oriental Mindoro.

“Dahil nasa peak season tayo ngayon ng fishing activity, we expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw. Pero hindi namin nakikita na magkakaroon ng pangmalawakang kakulangan sa (supply) ng isda because of the oil spill,” ayon sa kanya.

Ang tinutukoy ni Briguera ay ang mga apektadong lugar ng pangingisdaan sa Oriental Mindoro at mga kalapit na lalawigan matapos ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa baybayin ng Naujan noong Pebrero 28.

Samantala, sinabi ng BFAR na nagsasagawa sila ng mga interbensyon upang mapabuti ang post-harvest equipment ng sektor ng pangisdaan at maiwasan ang pagkasira ng isda sa bansa.

“Current fish spoilage is between 25 to 40 percent because of the shortage in post-harvest equipment, like blast freezers, ice-making machines, cold storage warehouses, and fish landing sites,” dagdag niya.

Nauna dito, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na siya ring hepe ng Department of Agriculture, ang pagtatayo ng 11 karagdagang cold storage facility sa ilang pantalan sa bansa na inaasahang magiging operational ngayong taon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo