BFP sa mga uuwi ngayong Semana Santa: Bunutin ang mga appliances sa plug bago umalis

0
92

Pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon ang mga bibiyahe ngayong Semana Santa na hugutin ang saksakan ang kanilang mga kagamitan at patayin ang pangunahing pinagmumulan ng kuryente sa kanilang bahay upang maiwasan ang sunog bago sila umalis ng bahay.

Sinabi ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Atienza na maaari ring ipagbigay-alam ng mga biyahero ngayong long weekend sa kanilang pinagkakatiwalaang kapitbahay na bantayan ang kanilang tahanan.

“Sa kasalukuyan ngayong Oplan Semana Santa, ang laging nating pinapaalala kapag tayo’y aalis sa ating mga tahanan ay ang siguruhing naka-switch off ang ating mga pangunahing saksakan ng kuryente. Ganito rin ang ating LPGs,” aniya.

“Kung sakali mang may mga pagkakataong hindi maibubunot, huhugutin, o i-u-unplug ang mga appliances o mga gamit tulad ng CCTV o mga refrigerator, tiyakin lamang natin na ito ay ipagbibilin natin sa ating mga pinagtitiwalaang kapitbahay,” dagdag niya.

Gayundin, inabisuhan ni Atienza ang mga biyahero na ilista ang contact number ng pinakamalapit na fire station mula sa kanilang tahanan o direktang tumawag sa 911 sakaling magkaroon ng emergency.

Naitala na ang kabuuang 5,174 insidente ng sunog ngayong taon, ayon sa opisyal ng BFP. Ito ay mas mataas ng 26.9% kumpara sa 4,077 na insidente ng sunog noong parehong panahon noong nakaraang taon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo