BI nagbabala sa bagong stock market scam na target ang mga Pilipino

0
220

MAYNILA — Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes laban sa isang bagong stock market scam na umano’y nanghihikayat sa mga Pilipino na mamuhunan sa stock trading platforms o mga pseudo investments na mistulang lehitimo ngunit kontrolado pala ng mga criminal syndicates.

Ayon sa BI, lumabas sa imbestigasyon na ang mga biktimang nabigong maabot ang itinakdang quota o tumangging sumunod sa mga utos ay sumasailalim sa pisikal at sikolohikal na pang-aabuso, torture, pananakot, at deprivation upang pilitin silang sumunod.

“These criminal groups are ruthless. They deceive Filipinos with promises of high-paying jobs and easy money, then subject them to abuse once they are trapped,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado sa isang pahayag.

“Let this serve as a strong warning: no legitimate employer will require you to scam your own countrymen or invest through unofficial platforms,” dagdag pa niya.

Sinabi ng BI na walong Pilipino na may edad 20 hanggang 30 ang nasagip at naibalik sa bansa noong Disyembre 31 matapos umanong ma-traffick sa ibang bansa. Ayon sa ahensya, ang mga ito ay naakit sa pamamagitan ng online recruitment at mga alok sa social media.

Samantala, 19 pang Pilipino na na-repatriate mula sa Cambodia ang dumating din sa bansa sa parehong araw. Kabilang dito ang apat na indibidwal na umalis umano sa bansa gamit ang backdoor sa Palawan.

Dahil dito, nanawagan si Viado sa publiko na maging mapagmatyag, lalo na sa mga job offer at investment opportunities na iniaalok online.

“The Bureau of Immigration is working closely with law enforcement partners to track, disrupt, and dismantle these scam rings. We are committed to protecting Filipinos and preventing these syndicates from continuing to victimize our people,” ani Viado.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.