Bibili ng BrahMos missiles ng PH: Depensa ng maritime border palalakasin

0
265

Ang pagbili ng Pilipinas ng Indian-made BrahMos medium-range ramjet supersonic cruise missiles ay lubos na magpapahusay sa kakayahan ng Philippine Navy (PN) na bantayan at ipagtanggol ang maritime border ng bansa.

“It will increase the capability of the AFP (Armed Forces of the Philippines), particularly the PN to defend the country’s extensive maritime borders,” ayon kay PN spokesperson Commander Benjo Negranza sa mensaheng ipinarating niya sa Philippine News Agency noong Lunes ng gabi. 

Idinagdag ni Negranza na ang BrahMos ay makakadagdag din sa mga pagsisikap ng PN surface ships sa pagpapatrolya sa karagatan ng Pilipinas bukod sa pagpapalakas ng firepower ng Philippine Marine Corps (PMC).

The acquisition of the shore-based anti-ship missile project will boost the capability of the PN, particularly the PMC’s Coastal Defense Regiment as the end-user,” ayon sa kanya.

Nauna rito, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ang delivery ng BrahMos para sa Shore-Based Anti-Ship Missile System Acquisition Project ng PN ay inaasahang magsisimula sa loob ng kasalukuyang taon.

Ang proyekto ng BrahMos ay nagkakahalaga ng USD374,962,800 (humigit-kumulang PHP19 bilyon).

Noong Disyembre 31, nilagdaan ni Lorenzana ang Notice of Award para sa acquisition project ng Navy BrahMos sa isang government-to-government deal na nilagdaan sa India.

“It includes the delivery of three batteries, training for operators and maintainers as well as the necessary Integrated Logistics Support (ILS) package. Conceptualized as early as 2017, the Office of the President approved its inclusion in the Horizon 2 Priority Projects in 2020,” dagdag pa niya.

Ang isang missile batterya ay karaniwang binubuo ng tatlong mobile autonomous launcher na may dalawa o tatlong missile tube bawat isa, kasama ang mga tracking system.

Sinabi ni Lorenzana na ang Coastal Defense Regiment ng PMC ang magiging pangunahing gagamit ng BrahMos missile system.

Ang BrahMos cruise missile ay maaaring ilunsad mula sa isang barko, eroplano, submarino, o mula sa lupa na may pinakamataas na bilis na humigit-kumulang Mach 2.8 (humigit-kumulang 3,400 km. bawat oras), at may kakayahang magdala ng mga warhead na tumitimbang ng 200 hanggang 300 kilo.

Ang pagbili ng land-based missile system ay nasa ilalim ng Horizon II ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program, na nakatakda para sa 2018 hanggang 2022 at nakatuon para sa pagkakaroon ng mga kagamitan para sa external defence. Mayroon itong badyet na PHP300 bilyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo