MAYNILA – Paiigtingin ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang upang mapabilis ang pagkumpleto ng libu-libong hindi pa tapos na silid-aralan sa buong bansa, kasabay ng paghahanda na palawakin ang mga opsyon sa paghahatid ng school building projects pagsapit ng 2026 upang matugunan ang patuloy na kakulangan sa pasilidad ng basic education.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na sa mga nakalipas na taon ay inatasan sa konstruksiyon ng mga pampublikong gusaling pang-eskuwela, upang mapabilis ang pagtatapos at agarang turnover ng mga naantalang proyekto.
“Batay sa pinakahuling datos, lagpas 8,000 classroom projects ang sabay-sabay na tinatrabaho para sa 2024 at 2025. Nasa 3,600 classrooms na ang natapos ng DPWH, at ang natitira ay patuloy na tinututukan para agad makumpleto at magamit ng ating mga mag-aaral,” pahayag ni Angara.
Binanggit ng DepEd na ang mabilis na pagkumpleto at paggamit ng mga silid-aralan ay mahalaga upang maibsan ang pagsisiksikan sa mga classrooms at mapabuti ang kalidad ng pagkatuto, lalo na sa mga lugar na matagal nang kulang sa pasilidad. Patuloy umanong babantayan ng ahensiya ang progreso ng mga proyekto upang matiyak ang napapanahong pagtatapos at wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan.

DC Alviar
Professor DC Alviar is a tenured associate professor at National University (NU) Manila and a steering committee member of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He has contributed to NU's community extension initiatives that introduced the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities within a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with Master of Development Communication (MDC) and Doctor of Communication (DComm) degrees from the University of the Philippines (UP) Open University in Los Baños and was awarded with a Commission on Higher Education (CHED) SIKAP grant. He previously served as editor-in-chief of The Adamson News and his high school publication Ang Ugat.





