Inilagay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ng Bicol sa “standby status” ang lahat ng disaster response offices matapos itinaas ang alert level status ng Bulkang Mayon mula 1 (abnormal) hanggang 2 (increasing unrest).
Sa isang memorandum na inilabas noong Biyernes ng gabi, sinabi ni Claudio Yucot, Office of Civil Defense (OCD) 5 (Bicol) director at Bicol DRRMC chairperson, na ang standby status ay bilang paghahanda sa anumang tugon sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon.
“Response assets should be on standby to support response activities of provincial, city, and municipal DRRMOs (Disaster Risk Reduction and Management Offices), especially chokepoints along the 6-km. radius of the permanent danger zone (PDZ),” ayon kay Yucot.
Pinaalalahanan din ng memorandum ang publiko na magsagawa ng paghahanda at pagtugon.
Ang mga taong naninirahan sa mga lambak at aktibong mga daluyan ng ilog ay pinapaalalahanan din na manatiling mapagbantay laban sa lahar sakaling magkaroon ng matagal at malakas na pag-ulan.
Sa isang panayam noong Sabado, sinabi ni Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng OCD-5, na patuloy nilang binabantayan ang mga aktibidad ng Mayon at nakikipag-ugnayan sila sa DRRMC ng Albay.
“Local DRRMCs must issue relevant policies and advisories to the public regarding the Mayon activities. Reports of preparedness measures and any untoward incidents must be submitted to RDRRMC,” ayon sa kanya (PNA)
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.