Big-time drug pusher na kilala sa bansag na’Tatay’ huli sa P680K na shabu

0
235

GEN. TRIAS CITY, Cavite. Arestado ang isang suspek na big-time drug pusher sa ilalim ng buy-bust operation na isinagawa sa Pasong Camachille 2, lungsod na ito.

Ayon sa ulat, ang naarestong suspek na 54-anyos na kilala sa alyas na “Tatay” ay residente ng Brgy. Santiago, Gen. Trias City, Cavite, at isa sa mga nasa listahan ng mga High Value Individual (HVI) ng pulisya.

Sa koordinasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite-PPO at Gen. Trias Police, nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation bandang 1:00 kahapon ng madaling araw.

Nang dumating ang suspek sa pinagkasunduang lugar sakay ng kaniyang Mitsubishi Pajero na may plakang YFG 199, nagkaroon sila ng transaksyon kasama ang poseur buyer. Matapos magkapalitan ng droga at pera, agad na dinakip ng mga pulis ang suspek.

Narekober mula sa operasyon ang isang plastic sachet na may 100 gramong shabu na nagkakahalaga ng P680,000, pati na rin ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.