Big-time na pagtaas ng presyo ng LPG, sumalubong sa consumers ngayong Marso

0
246

Ang mga consumers ay kailangang gumastos ng malaki upang magluto sa gas dahil sa isang big-time na pagtaas ng presyo ng LPG kanina.

Nagpatupad ang Petron ng pagtaas na PHP7.95 kada kilo ng LPG habang ang Solane-branded LPG ng Shell ay tumaas ng PHP7.14 kada kilo.

Ang nabanggit na pagtaas ng presyo ay tinatantyang magdadagdag ng ng PHP78.54 hanggang PHP87.45 kada regular na 11-kilogram na LPG cylinder.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang karaniwang presyo ng 11-kg LPG sa Metro Manila ay nasa PHP976 hanggang P1,054.00 noong nakaraang buwan ng Pebrero.

Gayundin, itinaas ng Petron ang presyo nito sa AutoLPG ng PHP4.44 kada litro.

Ang bagong presyo ay magkakabisa sa ganap na 12:01 a.m. sa araw na ito, Martes, Marso 1, 2022.

Ang pagtaas ay kaugnay ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na nagtulak sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis at gas na inaasahang may malaking epekto sa global supply.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.