Big-time rollback sa presyo ng gas at diesel, asahan sa susunod na linggo

0
266

Pagkatapos ng tatlong magkasunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, malaki ang posibilidad ng rollback sa petroleum products sa susunod na linggo. Ayon sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), nasa P1.50 ang mababawas sa presyo ng diesel at kerosene at hanggang P1.00 naman sa gasolina.

Sinabi ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero, na ilang dahilan ang nagbunsod sa rollback –  pangamba sa global recession at humina ang demand sa produktong petrolyo, kasunod ng matamlay na demand sa Amerika at Europa.

Tuwing Martes ipinatutupad ang price adjustment ng mga oil companies sa petroleum products.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo