Bill on divorce, muling binuhay sa Kongreso

0
180

Pumasa na sa Committee on Population and Family Relations ng Kongreso ang divorce bill sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng komite ay nagsampa ng motion si Albay Rep. Edcel Lagman upang maaprubahan ang 8 Divorce bills na sinang-ayunan naman ng mayorya. 

Kaugnay nito, bubuo ang komitiba ng technical working group na gagawa ng substitute bill upang pagsamahin ang 8 panukala. 

Tiniyak ng komite na ikukonsidera nila ang mga isyu na may kinalaman sa sa relihiyon.  Nauna dito ay hinikayat din ni dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang mga kapwa mambabatas na aksyunan na ang panukala. 

Iginiit niya na sa nakaraang Kongreso ay naaprubahan na ang nabanggit na panukala. Dapat aniyang mabigyan ng pagkakataon ang mga taong itama ang maling desisyon sa pagpili ng makakasama sa buhay. 

Binigyang diin naman ni Lagman na sa lahat ng Catholic countries ang Pilipinas na lang ang hindi pa legal ang diborsyo. Kahit Catholic Hierarchy aniya ay may sariling matrimonial tribunal na nagdi-dissolves sa kasal na maituturing na ring diborsyo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.