MAYNILA. Binabantayan ngayon ng PAGASA ang tatlong low pressure areas (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang unang LPA ay nasa loob ng PAR at huling namataan 790 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes. Ayon sa ahensya, mababa ang tsansa nitong maging ganap na bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.
Ang pangalawang LPA, na labi ng dating tropical cyclone na si Bising, ay nasa labas ng PAR at may katamtamang posibilidad na lumakas. Huling naitala ito sa layong 475 kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat.
Samantala, ang pangatlong LPA ay nasa 2,070 kilometro silangan ng Hilagang Luzon at maliit ang posibilidad na maging tropical cyclone.
Patuloy namang nakaaapekto ang habagat sa malaking bahagi ng bansa, na magdudulot ng panandaliang pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig na lugar, pati na rin ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Nagpaalala ang PAGASA sa publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababang lugar.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





