Binago ang kalendaryo ng BSKE dahil sa ‘gray areas’ sa postponement bills

0
169

Binanggit ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ang ilang dahilan upang baguhin ang kalendaryo ng mga aktibidad para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5.

Lumabas ang balita matapos magdesisyon ang poll body na baguhin ang panahon ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) mula Oktubre 6 hanggang 13 sa Oktubre 22 hanggang 29, 2022.

“The House version of the Bill does not include a provision on what will happen to COCs filed from Oct. 6-13, 2022 in case the bill to postpone the BSKE becomes a law. There is no certainty as well if the Senate version will have a similar provision on COCs filed on the said period, as above,” ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco sa isang statement.

Nagdesisyon din ang Comelec na ilipat ang gun ban period na ngayon ay mula Nob. 6 hanggang Dec. 20, 2022, mula sa orihinal na petsa na Oktubre 6 hanggang Disyembre 12.

“Any violation of the gun ban and other Prohibited Acts (Election Offenses) starting Oct. 6, 2022, that will be subjected to preliminary investigation, inquest or perhaps, filing of appropriate information in regional trial courts will be significantly affected and complicated in case the BSKE postponement bill becomes a law,” ayon kay Laudiangco.

Sa kabila ng pag-apruba ng bersyon ng Kamara sa panukala, patuloy na naghahanda ang Comelec para sa botohan sa Disyembre 5.

Sinabi ni Comelec chair George Garcia na magpapatuloy ang paghahanda para sa botohan hangga’t walang batas na nagpapaliban dito. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.