Binaklas ng DENR Calabarzon ang mga iligal na baklad sa Taal Lake

0
643

Calamba City, Laguna. Binaklas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON), sa pamamagitan ng Protected Area Management Office-Taal Volcano Protected Landscape (PAMO-TVPL)ang mga ilegal at abandonadong istraktura sa Brgy. Gulod at Buso-Buso, Laurel, Batangas mula noong Mayo 13 hanggang kahapon, 6 Hunyo 2022.

Batay sa imbentaryo ng PAMO-TVPL, 63 fish corrals o baklad and ilegal na nakatayo sa baybay lawa ng dalawang barangay na nabanggit. Ang mga istrukturang ito ay maaaring maging hadlang o sagabal sa mga isasagawang pag responde sa panahon ng peligro at maituturing na panganib sa mga naglalayag na bangka, ayon sa ulat..

Ang isinagawang pagbabaklas ay alinsunod sa Kautusang Pampangisdaan ng TVPL at sa PAMB Resolution No. 91, series of 2021, kung saan nakasaad ang permanenteng pagbabawal ng pagtatayo at operasyon ng ilegal na baklad sa buong Lawa ng Taal. Nakasaad din sa resolusyon na ito na pansamantalang pinayagan ang operasyon ng fish corral o baklad sa loob ng anim (6) na buwan simula Hulyo hanggang Disyembre taong 2021 ngunit tatanggalin at babaklasin pagkatapos ng ibinigay na palugit.

Pinangunahan ng DENR CALABARZON ang pagbabakalas kasama ang PAMO-TVPL, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IV-A. Katuwang din dito ang PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, at iba pang mga law enforcement agencies. (DENR4A)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.