Binalaan ang Filipino community sa gitna ng mapanganib na winter storm sa US

0
263

Pinapayuhan ang mga Pilipino sa Amerika na maging alerto at gumawa ng mga kinakailangang paghahanda habang binabagyo ng yelo ang gitna at silangang bahagi ng nabanggit na bansa.

Hindi bababa sa 13 ang naiulat na namatay sa Oklahoma, Kentucky, Missouri, Tennessee, Wisconsin, at Ohio habang rumaragasa ang bagyo at nagdadala ng mapanganib na lamig ng hangin.

“The Philippine Embassy in Washington DC advises Filipino communities on the massive winter storm to monitor the weather, undertake all necessary preparations, and heed the warnings of local officials,” ayon sa Embassy sa isang advisory kanina.

Nagbabala ang National Weather Service na maaapektuhan ng lamig ng hangin ang halos kalahati ng populasyon ng US dahil ang isang “once-in-a-generation” na bagyo ay nagdadala ng snow, hangin, yelo, at napakalamig na temperatura sa katapusan ng linggo ng holiday.

Ang mga kondisyon ng blizzard ay maaaring magsanhi ng zero visibility at ang publiko ay pinapayuhan na iwasan munang lumabas maliban kung talagang kinakailangan.

Para sa mga emergency na mangangailangan ng tulong ng Embahada, hinihimok ang mga apektadong miyembro ng Filipino community na tumawag lamang sa (202) 368-2767 o (202) 769-8049. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.