Biñan COP sinibak dahil sa command responsibility

0
420

Sta. Cruz, Laguna. Sinibak na sa puwesto ang chief of police ng Biñan, Laguna matapos ma-tag ang kanyang tatlong intelligence officer sa umano’y tangkang pagpatay sa dalawang civilian drug informant sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Si Lt. Col. Jerry Corpuz ay pinalitan ni Lt. Col. Rafael Torres, concurrent deputy director for administration ng Laguna police.

“Iniimbestigahan namin ang insidente upang matukoy kung may mga lapses sa operasyon ng pulisya at kung sinunod ng mga opisyal ang pamamaraan,” ayon ni Laguna provincial police director Col. Cecilio Ison.

Ang mga akusado na pulis na kinilalang sina Cpl. Mark Jefferson Arzola at Gerald Casanova, at Pat. Amiel Alcantara ay dinisarmahan at inilagay sa ilalim ng restrictive custody sa Laguna police headquarters.

Isang sibilyan na kinilalang si Joshua Almarinez ang kinasuhan ng attempted murder kaugnay ng insidente.

Sinabi ng isa sa mga nagrereklamo na siya ay nakaposas, nakapiring at binugbog ng mga opisyal. Isinumbong din ng mga biktima na binaril sila ng isa sa mga opisyal, ngunit hindi sila tinamaan.

Nagalit diumano ang mga opisyal nang maging negatibo ang ibinigay nilang impormasyon tungkol sa isang hiihinalang tulak ng droga.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.