Binata, nagbigti: Nalubog sa utang dahil sa online sabong

0
419

Pagsanjan, Laguna. Nagbigti ang isang 19 anyos na criminology student na nalubog sa utang dahil sa online sabong na naging sanhi ng pagkakalubog nito sa utang.

Ayon sa report ng Pagsanjan Police Station, si John Eleazar ay nakita ng isang kapitbahay na nakabitin sa puno ng sampalok sa likod ng bahay nito sa Poblacion 1 sa nabanggit na bayan, kamakalawa.

Naging libangan ng biktima ang online sabong mula noong magsimula ang pandemic, ayon sa salaysay ng ina nito na si Marcia ELeazar hanggang sa nalaman nila na nalulog na ito at nalubog na sa utang bukod sa nangungupit na ito sa kanilang tindahan. 

Nauna dito, ang binata ay naihabla sa barangay at sumailalim sa community service bilang parusa at nangako na titigil na sa pagsusugal.

Bago naganap ang insidente, sunod sunod ang pagdating at paniningil ng mga taong pinagkakautangan ng biktima na hinihinalang naging sanhi ng pagpapakamatay nito, ayon pa rin sa salaysay ng ina.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.