Binata patay sa taga ng kainumang babae

0
146

CALAUAG, Quezon. Patay ang isang binata matapos pagtatagain ng nakainumang babae sa Barangay Sumilang sa bayang ito, kamakailan lang. Ayon sa mga awtoridad, agad namatay ang biktima dahil sa matitinding mga tama ng taga.

Kinilala ang biktima bilang si Reneboy Llano, 22 anyos, na residente ng nasabing lugar. Sa kabilang banda, ang suspek ay kinilalang si Edna Monteclaro, may sapat na gulang at residente ng Barangay Pinagkamaligan, Calauag, Quezon.

Batay sa imbestigasyon ng Calauag Minicipal Police Station, naganap ang trahedya bandang alas-8:00 ng gabi habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang iba pang mga kaibigan. Nagkaroon ng usapan na nauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Matapos ang kanilang pag-iinuman, naglakad na pauwi ang biktima, ngunit sinundan siya ng babae at bigla itong pinagtaga sa leeg. Dahil sa matinding pinsala, halos humiwalay na ang ulo ng biktima sa kanyang leeg.

Sa ulat ng pulisya, inamin umano ng babae na kasama niya sa pagpatay ang kanyang anak na si Jonathan, na kasalukuyan nang tinutugis ng mga pulis.

Naglalabas ng mga kaukulang imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang iba pang naging kasabwat kung mayroon man. Samantala, patuloy ang paghahanap sa anak ng suspek na si Jonathan upang mapanagot sa kanyang pagkakaugnay sa insidenteng ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.