Cabuyao, Laguna. Binaril ng isang pulis ang isang lalaking nagdiriwang ng kanyang kaarawan matapos ang isang pagtatalo sa banyo ng isang restaurant sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/LTCOL Don Salisi, hepe ng Cabuyao City Police Station ang suspek na si Police Corporal Kurt Ilagan, 26 anyos, may-asawa at nakatalaga Intelligence operatives ng Cabuyao PNP.
Kinilala naman ang biktima na si Bryan Ian Perez na kasama ang kanyang mga kaibigan ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa restaurant na pinangyarihan ng krimen, batay sa ulat.
Naganap ang pamamaril matapos ang mainit na pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima. Si Mendoza ay lumabas mula sa banyo, lumapit sa mesa ng grupo ng biktima at binaril ito ng malapitan sa ulo ng suspek na pulis, ayon kay Salisi na makikita sa cctv footage ng restaurant na nakuha ng mga pulis.
Si Ilagan ay nadakip sa isang follow up operations ng Cabuyao Police Station at kasalukuyang nakapiit sa custodial cell ng Cabuyao PNP. Nakatakda siyang humarap sa kasong murder.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.