Binito ng Russia ang U.N. security action na nagkukundena ng pagsalakay sa Ukraine

0
256

Bineto ng Russia ang isang resolusyon ng United Nations Security Council na kumundena sa pagsalakay nito sa Ukraine na humihiling na agad nitong bawiin ang mga pwersa nito sa bansa.

Ang UN Security Council ay kasalukuyang pinamumunuan ni Russian ambassador sa UN, Vasily Nebenzya, at ang Russia ay may kapangyarihang mag-veto bilang isang permanenteng miyembro ng konseho.

Ang Russia ang tanging kalaban sa resolusyon, na inihain ng US at Albania. Ang India, China at UAE ay umiwas sa pagboto, bagaman at sinabi ng ambassador ng India na ang bansa ay “nabalisa” sa mga pangyayari sa Ukraine at nanawagan para sa agarang pagtigil ng karahasan.

Humigit kumulang na 198 Ukrainians ang napatay sa pagsalakay ng Russia, 1,000+ ang nasugatan

Hindi bababa sa 198 Ukrainians, kabilang ang tatlong bata, ang napatay bilang resulta ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine, ang pinuno ng Ukrainian Health Ministry ay sinipi ng Interfax news agency na sinabi noong Sabado. Sinabi niya na 1,115 katao ang nasugatan, kabilang ang 33 mga bata. Hindi malinaw kung ang tinutukoy niya ay ang mga sibilyan na casualty.

Ang digmaang ito ay magtatagal: Macron ng France

Ang mundo ay dapat maghanda para sa isang mahabang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine matapos ilunsad ng Moscow ang isang pagsalakay sa pro-Western na kapitbahay nito, nagbabala si French President Emmanuel Macron noong Sabado. “If can tell you one thing this morning it is that this war will last…. This crisis will last, this war will last and all the crises that come with it will have lasting consequences., ayon kay “Macron sa taunang agriculture fair ng France, nagbabala na: ”We must be prepared.” 

Sinuspinde ng Russia ang mga space launches mula sa French Guiana bilang sagot sa mga sanctions

Sinuspinde ng Russia ang mga space launches mula sa French Guiana bilang ganti sa mga sanctions. “In response to EU sanctions against our enterprises, Roskosmos is suspending cooperation with European partners over organizing space launches from the Kourou cosmodrome and withdrawing its technical personnel… from French Guiana,” ayon kay Dmitry Rogozin, chief ng Russian space agency.

Patay ang mahigit 3,500 Russian invaders, ayon sa Ukraine

“As of this morning, more than 3,500 Russian invaders have been killed and almost 200 have been taken as prisoners of war,” ayon sa deklarasyon ng adviser ng Head of the Office of the President of Ukraine.

Molotov cocktails laban sa mga tangke

Sinunog ng mga Ukrainian ang dalawang tangke ng Russia gamit ang mga molotov cocktail (gaas at gasolina) sa Kiev. Gumagamit sila guerilla war tactics upang pigilin ang hukbong Ruso sa pagpasok sa kanilang kabisera.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.