Binomba ang kusina ng celebrity chef sa Kharkiv

0
260

KHARKIV, Ukraine. Kasamang nasira sa pambobomba ng Russia sa mga lungsod sa palibot ng Ukraine ang isang community kitchen sa lungsod na ito.

Ang nawasak na community kitchen ay itinayo ng World Central Kitchen, na pinamamahalaan ng celebrity chef na si José Andrés upang magtatag ng mga sistema ng pagpapakain sa mga lugar ng kalamidad at digmaan. Nag-tweet si Andrés na ang mga non-government staff na organisasyon ay takot na takot ngunit ligtas.

Sinasabi ng organisasyon na umabot na ang proyektong ito sa 30 lungsod sa buong bansa, na nagbibigay ng halos 300,000 pagkain sa isang araw. Sinabi ni Andrés na ang pag-atake sa Kharkiv ay nagpapamalas na “ang magpakain sa gitna ng walang kabuluhang digmaan ay isang gawain ng katapangan, katatagan at paglaban.” Sinabi rin niya na ang mga chef ng kanyang grupo ay patuloy na magluluto para sa Ukraine.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.