Bintang ng senate coup sa Kamara, suntok sa buwan

0
278

Umapela ang ilang mambabatas sa mga senador na tigilan na ang pagtuturo sa Kamara na ito umano ang pinanggalingan ng kwento na mayroong nagpaplano ng kudeta sa Senado. Sa isang press conference sa Kamara, ilang mambabatas ang nagbigay ng reaksyon sa isyu.

Ayon kay 1-Rider partylist Rep. Rodge Gutierrez, nakakagulat na ang Kamara ang pinararatangan sa planong Senate coup. “I would say that this would be suntok sa buwan,” ayon kay Gutierrez.

“According to some quarters of the Senate, mga congressman lang daw po kami. Napakalakas naman po natin kung makaka-impluwensya po kami dyan sa upper chamber. Kinakagulat po namin ito because as far as I’m concerned, as far as I know, yung question po ng voting jointly ay dun lang sa economic cha-cha bakit po biglang kasama na kami sa internal rules nila about electing their leaders. Wala naman po kaming boto doon,” dagdag pa ni Gutierrez.

Gayundin ang pahayag ni Pwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Migs Nograles, kung saan aniya, nakapagtataka na laging ibinabato sa mga kongresista ang sisi sa mga nangyayari sa Senado, gayung ang dalawang kapulungan ay mayroong kanya-kanyang ipinapatupad na patakaran. “Why is it that when senators bicker, we always end up being the culprit? We don’t have anything to do with them in terms of their leadership. They have their own internal rules, we respect their rules, we respect who they want as their leader,” sabi ni Nograles.

“So, why do they have to blame us and again, portray as the bad guys? If they are fighting among themselves, then let them be. We have nothing to do with the internal rules of the Senate and whoever they wish to keep with their leadership,” giit pa nito.

Sumang-ayon din dito Lanao del Sur First District Rep. Zia Alonto Adiong. “We respect the independence of our co-equal branch, the Senate. This is entirely up to the Senate. We are absolutely oblivious of the fact that there is a case, there is an issue going around Senate,” ayon kay Adiong. Sinabi ni Adiong na hindi dapat isama lagi ang Kamara sa mga isyu ng Senado.

“This is entirely up to the majority in the Senate so we don’t know why they keep on tagging us every time there’s an issue coming up. We don’t know what went these past few days why the issue came out,” ang pagtatapos ni Adiong.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.