STA. CRUZ, Laguna. Binuksan ang 12th Local Colleges & Universities Athletic Association (LCUAA) National Games sa Laguna Sports Complex, Brgy. Bubukal noong Oktubre 8, 2023.
Matapos ang tatlong taon ng pagkakahinto, ang ika-12 edisyon ng LCUAA na may temang “Comeback Stronger. Dream Higher” ay nagbalik upang magbigay-pugay sa husay at talento ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.
Ang pagsisimula ng palaro ay binuksan ng isang makulay na parada at seremonyal na pagliliyab ng torch, kung saan masilayan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mahigit 2000 delegado mula sa 22 na paaralan.
Ang mga mag-aaral-athlete ay magtutunggali sa 19 na sporting events, kabilang ang mga laro ng bola, dance sports, cheer dance, at iba pang kompetisyon.
Nagbigay ng inspirasyon at mensahe si Laguna Provincial Administrator Dulce Rebanal. Nagpasalamat siya sa suporta ng mga delegado.
Nagpaabot din ng mainit na pagbati at mensahe si Bise Gobernador Atty. Karen Agapay na at nagbigay ng dagdag sigla sa mga atleta.
Ang 12th LCUAA National Games, na tatagal hanggang ika-13 ng Oktubre 2023, ay itinataguyod ng Laguna University (LU) sa pamumuno ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez. Inaasahan na magiging makabuluhan at masayang pagkakataon ito para sa mga mag-aaral-athlete na magpapakita ng kanilang husay sa kanilang mga laban.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.