Birador ng convenience stores, muling umatake sa Cavite

0
118

BACOOR CITY, Cavite. Sumalakay na naman ang mga hindi pa nakikilalang tirador sa mga convenience store sa lalawigan ng Cavite, na nagresulta sa pagnanakaw ng mahigit P100,000 mula sa isang sangay ng 7-Eleven sa Brgy. Molino 3, lungsod na ito noong tanghali ng Linggo.

Tatlong armadong kalalakihan ang hinihinalang sangkot sa pagnanakaw sa nasabing convenience store dakong 11:00 ng umaga. Ang mga suspek, na napag alamang may taas na 5’5 hanggang 5’7, ay nakasuot ng bonnet, puting t-shirt, long sleeves, at fatigue. Sa kanilang pagpasok sa tindahan, nagpanggap silang mga kustomer.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang suspek ang nagsilbing lookout habang ang dalawa naman ay nagbanta gamit ang mga baril kina Roel Borres at Jayson Tabios, mga empleyado ng store. Ang mga biktima ay ini-lock ng mga suspek sa stock room habang tinatangay ang mahigit P100,000 na cash mula sa vault ng tindahan.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay gray na kotse. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at mahuli ang mga suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.