Bishop de Leon: Walang prusisyon ng Kuwaresma sa Diyosesis ng Antipolo

0
683

Antipolo City, Rizal. Hindi magsasagawa ng prusisyon ang Diyosesis ng Antipolo sa pagdiriwang ng Kuwaresma at Semana Santa ngayong taon, taliwas sa inihayag noong Pebrero 24.

Sa Facebook post kahapon Biyernes, nilinaw ni Antipolo Bishop Francisco de Leon sa isang liham na naka-address sa mga pari sa kanyang diyosesis kung bakit ipagbabawal pa rin ang mga prusisyon, kabilang ang mga motorcade.

“Kung hindi makokontrol ang karamihan, maaaring tumaas ang mga kaso ng Covid-19 . Nasa pandemic crisis pa rin tayo, at dapat nating iwasan ang resurgence ng mga kaso,” ayon kay de Leon bilang isa sa dalawang pangunahing dahilan sa pagbawi ng kanyang naunang pahayag. 

“We must (also) take into account the recent increase in gasoline prices,” dagdag pa niya.

Bago ang pandemya, ang mga Romano Katoliko ay nagsasagawa ng mga prusisyon tuwing Semana Santa.

Para sa 2022, itinakda ang Semana Santa mula Abril 10 hanggang 16. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.