Bisita sa binyagan party, pinatay sa pukpok sa ulo

0
306

San Pablo City, Laguna. Nauwi sa kaguluhan ang isang binyagan sa Brgy. San Gregorio, lungsod na ito na nagsanhi ng pagkamatay ng isang bisita kagabi.

Ayon sa report ni PLTCOL Garry Alegre, hepe ng San Pablo City Police Office, bandang alas siyete kagabi, papalabas na at pauwi na sana ang biktima na kinilalang si Diolando Minis Banayad, lalaki, 58 anyos na tubong San Narciso, Quezon at residente ng nabanggit na barangay noong siya ay pukpukin ng kahoy sa ulo ng lasing na suspek na si Maximino Vallano Oribiada, 34 anyos na residente ng Purok 3 Brgy.San Gregorio, San Pablo City sa nabanggit ding barangay. 

Kasunod nito, ang biktima ay pinukpok din sa ulo ng bote ng red horse beer ng isa pang suspek na kinilalang si Ryan Vallano Oribiada, 25 anyos na kapatid ni Maximino at residente ng Nagcarlan, Laguna.

Isinugod sa San Pablo General Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Raymart Fernandez.

Kaagad na nagkasa ng follow up investigations si Alegre na isinagawa ng mga tauhan ng SWAT ng San Pablo CPO at nagresulta sa pagdakip sa magkapatis na suspek.

Kasalukuyang na custodial facility ng San Pablo CPO ang mga arestado habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Arestado ang dalawang suspek na sina Maximino Vallano Oribiada at Ryan Vallano Oribiada na pumukpok sa ulo ng biktimang si Diolando Minis Banayad habang pauwi mula sa isang binyagan sa Brgy. San Gregorio, San Pablo city.
Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.