Bivalent vaccines darating na, healthcare workers at seniors uunahin

0
210

Inaasahan ng Department of Health (DOH) na darating na sa bansa ang unang batch ng COVID-19 bivalent vaccines sa loob ng tatlong linggo.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kailangang ituturok ito sa tao may apat na buwan makaraang makatanggap ng COVID-19 booster.

Uunahin na mabigyan ng bivalent vaccines ang mga healthcare workers at mga senior citizens, ayon sa DOH.

“Gagamitin muna natin siya dun sa mas priority natin dahil hindi siya mahuhusto para sa lahat nung A1 to A3. So, we are now prioritizing A1 and A2 population,” ayon kay Vergeire.

May 1,002,000 doses ng bivalent vaccines na gawa ng Pfizer ang nakuha ng Pilipinas mula sa COVAX facility. Target ng mga bivalent vaccine na labanan ang iba’t ibang Omicron subvariants na nagsusulputan ngayon.

“They have committed that in about 3-4 weeks darating ang mga bakuna natin. Hopefully, ito ay mangyari,” ayon pa kay Vergeire.

Natapos na rin ng DOH ang operational guidelines sa paggamit ng bivalent vaccines na kailangan na lang ang pirma ng executive committee members upang makapag isyu ng isang department memorandum kaugnay ng paghahanda ang mga lokal na pamahalaan sa panibagong bakunahan.

Ayon sa datos ng DOH, nasa 73.8 milyong Pilipino na ang “fully-vaccinated” habang 21.5 milyon pa lamang ang nagpapaturok ng unang booster shot at 3.9 milyon ang may ikalawang booster.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.