Black Saturday Tragedy: Nalunod ang 15-anyos na batang babae sa Infanta beach

0
596

Infanta, Quezon. Nauwi sa isang trahedya ang isang family outing matapos nalunod ang isa sa kanilang kapamilya habang lumalangoy sa isang beach resort dito noong Sabado de Glorya.

Lumalangoy sa Resplandor Boulevard Beach Resort sa Brgy. Binulusan sa nabanggit na bayang ang 15-anyos na si Justine Adopina Segismundo at limang iba pang kapamilya nang tangayin sila ng malalakas na alon at mapadpad sa malalim na bahagi ng dagat.

Lima sa kanila ang nakaligtas sa malakas na agos matapos silang sagipin ngunit hindi pinalad si Justine Adopina.

Isinugod ang mga biktima sa malapit na Claro Recto District Hospital ngunit idineklara ng attending physician na si Dr. Norizcelle Pearl Bartolome na dead on arrival si Justine.

Kinilala ang mga nakaligtas na sina Arnel Fornillos Segismundo, 47; Arlene Adopina Segismundo, 17; Florencio Alfaro Chan, 49; Ailene Adopina Segismundo, 17 at Jennilyn Adopina Alfaro, 15, pawang mga residente ng Binangonan, Rizal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.