BOC sa publiko: Mag ingat sa parcel at love scams

0
144

Naglabas ng babala ang Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkules hinggil sa lumalalang mga parcel at love scams sa panahon ng kapaskuhan.

“Ingat po sa mga tawag, mensahe, o email na nagsasabing may hinihintay na package o parcel mula sa BOC at kinakailangan ng bayaran sa personal bank account o money remittance para ma-release ito,” pahayag ng BOC.

Dagdag pa, binabalaan ng BOC ang publiko tungkol sa posibleng panggagaya ng mga scammer, anila, “Nagpapanggap umanong foreigner o tauhan ng BOC ang mga scammer.”

Nagbigay rin ng paalala ang BOC sa publiko tungkol sa tamang paraan ng pagbabayad ng duties at tax, na kailangang bayaran sa BOC cashier o sa mga Authorized Agent Banks (AAB).

“Ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lamang gawin sa BOC cashier o sa mga Authorized Agent Banks (AAB),” ayon sa pahayag ng BOC.

Dagdag pa ng ahensya, “Sa kaso ng pagiging biktima ng ganitong klase ng panloloko, i-check muna ang website para tiyakin kung akreditado ang nasabing courier o forwarder. “Maari rin po kayong makipag-ugnayan sa BOC para tiyakin kung lehitimo o pekeng impormasyon ang resibo, tracking number, at iba pang dokumentong inyong natanggap.”

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kontakin ang BOC sa landline na 8705-6000 at email na boc.cares@customs.gov.ph. Bisitahin ang opisyal na website ng BOC sa http://customs.gov.ph.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo