Bogus na dentista sa Laguna hinuli ng mga pulis ng CIDG

0
233

Alaminos, Laguna. Inaresto ng pulisya ang isang lalaking nagpa-practice ng dentistry na walang lisensya sa Laguna.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Brig. Gen. Ronald Le, ang suspek na si Rodelo Donato ay nahuli sa kanyang tirahan sa Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna noong Lunes.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng tip sa isang impormante na walang certificate of registration o professional identification card si Donato.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng CIDG at iba pang police unit at naaresto ang suspek na nahuli sa akto habang nagsasagawa ng dental technology.

Nabigo si Donato na magpakita ng lisensya na isang paglabag sa Republic Act 9484 o An Act to Regulate the Practice of Dentistry, Dental Hygiene and Dental Technology in the Philippines, sabi ni Lee.

Nakakulong ngayon si Donato sa Alaminos Municipal Police Station.

“Ang CIDG ay nagpapa-alala sa publiko na maging mapanuri sa pagpili ng dentista o dental clinic upang hindi maging biktima ng ilan sa mga hindi otorisado at walang legal na basehan upang magsagawa ng ganitong gawain,” ayon kay Lee. 

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.