Bolunterismo: De Lima, Diokno, Kiko, Bam Nanguna; Hontiveros at mga residente ng San Pablo, nakiisa

0
252

Sa tila walang puknat na bangayan sa pagitan ng dalawang higante sa pulitikang pambansa, nakatanaw pa rin ng “magandang pag-asa” ang mga residente ng Laguna nang makadaupang-palad nila si Senadora Risa Hontiveros nitong Sabado, Nobyembre 30.

Bukod sa Chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, personal ding naihatid ang “tama at pinagkaisahang mensahe” sa panahon ng malalang away-pulitika ng mga nakatataas nang mapakinggan sina Akbayan party-list lead nominee Chel Diokno, Mamamayang Liberal (ML) Partylist First Nominee Leila De Lima, dating senador Kiko Pangilinan, at ang kinatawan ng dating senador Bam Aquino.

Mensahe ng bolunterismo ang hatid nina Hontiveros, Diokno, De Lima, Pangilinan, at Aquino, ngunit sinamantala rin ang pagkakataong makausap ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa San Pablo City, kabilang ang mga pinuno ng local government unit (LGU).

Sa paglulunsad ng People’s Volunteer Movement, sinang-ayunan ng mga panauhing tumatakbo sa halalan 2025 at ilang lider ng mga karatig-LGU na panahon na umanong ipamalas ang tunay at makabuluhang pagkakaisa sa paglilingkod sa bansa.

Ayon sa isa sa mga mamamayang mainit na tumanggap sa kanila sa San Pablo Central School gym, siya man din ay nakaramdam ng kabutihang-loob sa pinagkaisang mensaheng itaguyod ang volunteerism na may pag-agapay ng mga tapat maglingkod-bayan. Kung hindi, aniya, babalik lamang sa “more of the same” ang sitwasyon sa Pilipinas sa halip na maramdaman ng mga mahihirap ang sinasabing paglago ng ekonomiya.

Tinanggap ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante ang grupo ni Hontiveros. Nakiisa rin sa pulong sina San Pablo City Councilor Chad Pavico at FPJ partylist lead-nominee Gel Adriano.

Sa paglulunsad ng People’s Volunteer Movement, sinang-ayunan ng mga panauhing tumatakbo sa halalan 2025 at ilang lider ng mga karatig-LGU na panahon na umanong ipamalas ang tunay at makabuluhang pagkakaisa sa paglilingkod sa bansa.
Author profile
DC Alviar

Professor DC Alviar serves as a member of the steering committee of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He was part of National University’s community extension project that imparted the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities in a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with a master’s degree in development communication from the University of the Philippines Open University in Los Baños. He recently defended a dissertation proposal for his doctorate degree in communication at the same graduate school under a Philippine government scholarship grant. He was editor-in-chief of his high school paper Ang Ugat and the Adamson News.