Bongbong Marcos, pansamantalang mamumuno sa DA

0
344

Pansamantalang pamumunuan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mga napipintong krisis sa pagkain sa bansa na nangangailangan ng mabilis na tugon, ayon sa kanya sa isang press conference sa Manadaluyong City kahapon.

“As to agriculture, I think that the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now,” ayon kay Marcos.

Ang mismong pamumuno ng DA ay magpapakita na inuuna ng gobyerno ang agrikultura. Papayagan din nito na maisagawa ng mas mabilis ang mga hakbang, ayon sa kanya.

Sinabi ni Marcos na ang pinakamabigat na problema na kailangang tugunan sa sektor ng agrikultura ay ang pagpapataas ng produksyon ng bigas at ang muling pag-aayos sa DA at mga kaakibat nitong ahensya.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan sa pagpapabuti ng industriya ng bigas sa bansa dahil ang Thailand at Vietnam ay nagbabalak na bumuo ng rice export cartel upang mabawasan ang pagtaas ng gastos sa produksyon.

Inilarawan niya ang agrikultura bilang isang “critical and foundational part” ng post-pandemic na pag-unlad ng ekonomiya at “pagbabago” ng bansa.

Tungkol naman sa agarang hakbang upang matulungan ang mga sektor na lubhang naapektuhan ng nagbabantang krisis sa pagkain, ipinunto ni Marcos ang pangangailangan sa pagpapabilis ng pag-iisyu ng mga national identification (ID) card upang matiyak ang mas mabilis na pamamahagi ng tulong. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo