Bongbong Marcos, Sara Duterte niligawan ang mga botante ng Caloocan

0
254

Nangampanya ang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang running mate na si Sara Duterte vote rich na Caloocan City kahapon.

Nagsimula ang kanilang campaign sortie sa isang morning motorcade sa paligid ng lungsod at nagtapos sa isang grand campaign rally sa north Caloocan bandang alas-8 ng gabi.

Ang tandem ay inendorso ni incumbent Mayor Oscar “Oca” Malapitan, na tumatakbo rin bilang kongresista ng 1st district ng lungsod.

Sa kanyang talumpati, muling iginiit ni Marcos ang kanyang panawagan na magkaisa ang bansa, na sinasabing ito ang paraan upang makamit ang isang magandang kinabukasan para sa mamamayang Pilipino.

“Kailangan natin ang tulong ng lahat… Sa aking palagay ay napakalaki ng problema, kailangan natin na tayong lahat ay magkaisa upang sabay-sabay na harapin kung anumang hamon na darating sa Pilipinas,” ayon sa kanya.

Nangako naman si Duterte na ipagpapatuloy niya ang mga programang sinimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kabilang ang “Build, Build, Build” at kampanya laban sa krimen at ilegal na droga.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.